Search This Blog

Friday, November 22, 2013

When LOVE STORY ends in WHITE HORSE.

After how many days, I think I left this blog almost 1 year and a half...
here I am, cleaning the dusts that good old days did.

Actually, andami ng nangyari sa akin sa loob ng halos isang taon at kalahati na wala ako dito.
Ayun, tambay sa tumblr. (follow me kittenfurry.tumblr.com). Marami na ring nagdaan na tao sa buhay ko.

at syempre, tulad ng nakagawian, pumupunta ako dito pag alam kong wala na akong matakbuhan.

Tulad ngayon, alam ko na pag nagsulat ako dito, alam ko na masasabi ko na kung anong nararamdaman ko ng hindi na kailangang hati hatiin sa 120 characters para ma status sa twitter.
Ayoko namang mag nobela sa FB kasi andun naman ang nanay ko, tita ko, at kung sino sino pa.

Ayoko may pakialamera dun. Isa lang naman ang pinapayagan kong makialam sa buhay ko e. yung kapatid ko. Hay.

O sya, umpisahan na natin.

November 16. may isa akong lalaking nakilala thru social media. Syempre, techie ako no.
22 years old din. marami kaming pagkakapareho. At syempre, alam nyo naman na hindi ko talaga alam paano ang ma "fall in love". Kaya sa mga nagdaang mga araw, unti unti akong nahulog. Ang bait kasi ng loko. napaka flowery ng mga sinasabi. yung tipong hindi ka makaka hindi. may sarili na nga kaming tawagan. First time kong hindi mabitawan ang cellphone ko kahit nasa DFA ako.

Kahapon, (November 21) o diba, after 5 days, nagtanong ako sa kanya. "hindi ka ba nako - confuse?"
ayun medyo natagalan ata bago nya na gets. ;)

sunod sunod na pangyayari, hanggang sa huling nagtext sya kaninang umaga ng Good Morning. At di nasundan.

For the second time, nangyari na naman to sa akin. (Wala kasi akong kadala dala pasensya naman). Ang masama, mas malalim ang hinulugan ko ngayon. sabi nila, look before you fall. Ang ginawa ko kasi Fall before you Look. kainis. sobrang baliktad. nagmadali naman kasi ako. Sobra akong nag expect. Sobra akong naniwala na, "oo, baka sya na nga. kasi tanggap nya kung anong hitsura ko, katawan ko, utak ko, at kung ano ano pa". pero grabe naman.

In a blink of an eye. Ayun na, lumipad na. Pusang gala. Ang sakit e. sobra. Iniisip ko nalang, oo 22 palang naman ako. Mayroon jan na para sa akin. medyo nadapa at na traffic lang. Minsan gusto kong tanungin kung asan na ba sya at ako susundo sa kanya. hehe.

Karma. Oo minsan inisip ko din na karma ko to. Medyo gaga kasi ako pagdating sa lalaki noon. Hehe, akala ko kagandahan. Alam nyo na yun.

Babawi ako. Syempre, ako pa. hindi ako papataob. O ayan, nag rant na ako kanina kaya medyo gumagaan na. (Although medyo hard pa rin), hindi ko sya i blo block. Kahit nagawa nyang ipa download sa akin ang Skype sa CP ko. Kahit friends kami sa FB, nag fa-follow-an kami sa twitter at IG, may Viber pa, hinding hindi ko sya i blo-block.

Nakakainis. ang nakakainis lang kasi, ang dami ko ng balak. Ang dami ko ng plano. Plano na makita sya, plano na makasama sya.

Magiging Drawing lang pala lahat. hayy..ayan na tumutulo na luha ko tuloy. hehe.

don't worry, kaya ko naman to.

Ipapakita ko sa kanya na kaya ko namang tumayo na wala sya no. EXCUSE ME. haha! ang tarush ko lang minsan.

O sya. dagdagan ko ulit tong rant ko kung sakaling di ako maka recover. =P